SABAY-SABAY NA NAG-DIVING SA SAHIG AT PINATAY ANG MAIN SWITCH NG KURYENTE ANG BUONG PAMILYA NANG MAY SUMIGAW NG “NAMAMASKO PO!”, PERO GUSTO NILANG SAKTAN ANG SARILI NANG SILIPIN NILA SA BINTANA KUNG SINO YON
Disyembre 25. Araw ng Pasko. Pero sa bahay nina Mang Badong, Aling Cely, at ng anak nilang si Jun-jun, para silang nasa loob ng pelikulang A Quiet Place.
Nakasarado lahat ng bintana. Naka-lock ang gate. At nakapatay ang TV.
“Makinig kayo,” bulong ni Mang Badong, pawis na pawis. “Marami akong inaanak. Mga bente-syete sila. Kapag may kumatok, walang gagalaw. Walang hihinga. Play dead tayo.”
“Copy, Tay,” sagot ni Jun-jun na naka-position na malapit sa Main Switch ng kuryente.
Maya-maya… dumating na ang kinatatakutan nila.
May huminto na sasakyan sa tapat ng bahay. Rinig ang kaluskos ng maraming tao.
“TAO PO!!! NAMAMASKO PO!!!” sigaw ng isang lalaki sa labas.
Nanlaki ang mata ni Mang Badong. “CODE RED! CODE RED! SUGOD NA SILA!”
“DAPA!!!” sigaw ni Tatay.
WALAABOG!
Sabay-sabay na nag-diving sa semento ang pamilya.
Si Aling Cely, gumulong sa ilalim ng mesa.
Si Mang Badong, sumiksik sa likod ng sofa.
At si Jun-jun, parang Ninja na hinila pababa ang Main Switch.
CLICK!
Namatay ang lahat ng ilaw. Pati ang electric fan, namatay. Total blackout.
Nakahiga sila sa sahig, pigil ang hininga. Yung aso nilang si Brownie, tinakpan din ni Badong ang bibig para hindi tumahol.
“Tao po? Mang Badong?” tawag ulit mula sa labas.
“Wag kayong sumagot… aalis din yan…” dasal ni Aling Cely sa isip niya. “Wala kaming pera… patawad…”
Tumagal ng dalawang minuto ang katahimikan. Rinig nila ang bulungan sa labas.
“Naku, Kapitan… mukhang walang tao. Patay ang ilaw eh. Baka umalis, nag-out of town,” sabi ng isang boses.
“Ganoon ba? Sayang naman,” sagot ng boses na tinawag na ‘Kapitan’.
Nakahinga nang maluwag si Mang Badong. Yes! Success! Ligtas ang 13th month pay niya! Naisahan na naman niya ang mga inaanak niya!
Dahan-dahang gumapang si Mang Badong papunta sa bintana. Sisilipin niya kung nakaalis na ang mga “kaaway”.
Hinawi niya nang konting-konti ang kurtina.
Pagtingin niya sa labas, muntik na siyang himatayin.
Hindi mga bata ang nasa labas.
Nakatayo doon si Barangay Captain at mga Kagawad. At may buhat-buhat silang:
Isang buong LECHON na kumikintab ang balat at may mansanas sa bibig.
Dalawang malaking Hamon de Bola.
At limang sako ng Gift Packs.
“Sayang talaga,” sabi ni Kapitan. “Ito pa naman sana ang Grand Prize para sa ‘Best Decorated House’ sa barangay. Kila Mang Badong sana ‘to kasi ang ganda ng parol nila.”
Napahawak sa dibdib si Mang Badong. HINDI!!!
“Oh sige,” utos ni Kapitan. “Dahil walang tao dito… ibigay na lang natin sa 2nd Place.”
Lumingon si Kapitan sa kabilang bahay.
“TAO PO! ALING MARITES!”
Agad na bumukas ang pinto ng kapitbahay. Lumabas si Aling Marites, ang chismosang kaaway ni Aling Cely.
“YES KAPITAN?!” sigaw ni Marites, abot-tenga ang ngiti.
“Merry Christmas, Marites!” bati ni Kapitan. “Dahil wala sina Badong, sa inyo na lang ‘tong LECHON at HAMON! Congratulations!”
Nanlaki ang mata ni Marites. “TALAGA KAP?! HULOG KA NG LANGIT!”
Kitang-kita ni Mang Badong mula sa bintana kung paano inabot ang lechon kay Marites.
Dinutdot pa ni Marites ang balat ng lechon. CRUNCH! Rinig hanggang sa loob ng madilim na bahay nina Badong ang lutong.
“Thank you Kapitan!” sigaw ni Marites. Tapos, tumingin si Marites sa madilim na bahay nina Badong at sumigaw nang parinig: “AY, SARAP! BUTI NA LANG NASA BAHAY KAMI! HINDI KAMI NAGTAGO! HAHAHAHA!”
Sa loob ng bahay, gusto nang maglaslas ni Mang Badong.
Inuntog ni Mang Badong ang ulo niya sa pader. BUG! BUG! BUG!
“TAY! BAKIT?!” tanong ni Jun-jun.
“BUKSAN NIYO ANG ILAW!!!” iyak ni Mang Badong. “SAYANG ANG LECHOOOON! ANG TANGA NATIN! ANG TANGA NATIIIIIIN!”
Binuksan nila ang ilaw. Huli na ang lahat. Paalis na ang truck ng Barangay. Si Aling Marites naman ay kumakaway-kaway pa habang hawak ang pata ng lechon.
Nang gabing iyon, ang Noche Buena ng pamilya ni Mang Badong ay Sardinas at Tuyo.
Habang kumakain sila nang tahimik, amoy na amoy nila ang Lechon Paksiw na niluluto ni Aling Marites sa kabila.
Mula noon, naglagay na si Mang Badong ng CCTV sa gate—para sure na Lechon ang parating at hindi inaanak.