NAG-PANIC ANG BUONG SUBDIVISION AT NAGLABAS NG MGA ITAK AT BATUTA ANG MGA RESIDENTE DAHIL MAY NAKITA SILANG GRUPO NG MGA TAONG DUGUAN, SUGATAN, AT NAGLALAKAD NANG PAIKA-IKA SA GITNA NG DILIM. AKMANG SUSUGURIN NA NILA ANG MGA ITO NANG BIGLANG MAGSALITA ANG ‘LEADER’ NG MGA ZOMBIE

Alas-dos ng madaling araw. Tahimik ang Villa Consuelo Subdivision.

Si Mang Badong, ang self-proclaimed “Guardian” ng lugar at adik sa The Walking Dead, ay nagro-ronda.

Biglang tumahol ang lahat ng aso sa kalsada.

Sumilip si Mang Badong sa gate. Sa gitna ng makapal na fog at dilim, may naaninag siya.

Isang grupo ng sampung tao.
Naglalakad nang mabagal.
Paika-ika.
Duguan ang mga damit.
At may naririnig siyang ungol.

“Ughhhh… sakit… ughhhh…”

Nanlaki ang mata ni Mang Badong.

“ZOMBIE APOCALYPSE NA!!!” sigaw ni Mang Badong sa radyo.
“CODE RED! CODE RED! NANDITO NA ANG MGA WALKERS! LABASIN NIYO ANG MGA ARMAS NIYO!”

Nag-panic ang Group Chat ng subdivision.

Sa loob ng limang minuto, nagtipon-tipon ang mga tatay sa main gate.

Si Mang Badong, may dalang itak at takip ng kaldero bilang shield.

Si Kuya Jobert, may dalang baseball bat na may pako.

Si Aling Marites, may dalang spray ng Holy Water at asin.

Si Kapitan, may dalang shotgun (na pellet gun lang pala).

Hinarangan nila ang daan gamit ang mga tricycle at basurahan.

“Wag kayong magpapahagat!” sigaw ni Badong.
“Targetin niyo ang ulo! Headshot lang ang makakapatay sa kanila!”

Papalapit na ang mga “Zombie”.

Nakakatakot ang itsura nila.
Yung isa, nakalawit ang bituka.
Yung isa, putol ang kamay.
Yung isa, puro dugo ang mukha at nangingisay maglakad.

“Braaaiiinnnss…” akala nila ang sinasabi.

Pero ang totoo, ang sinasabi ng mga zombie ay:
“Paaainnnsss… sakit ng paa ko, pre…”

Nang nasa tapat na sila ng barikada, itinaas ni Mang Badong ang itak niya.

“SUGOD MGA KAPITBAHAY! PARA SA SANGKATAUHAN! PATAYIN ANG MGA HALIMAW!”

Akmang hahampasin na ni Kuya Jobert ng baseball bat ang “Leader” ng mga zombie nang biglang…

“TEKA LANG!!! WAIT LANG PO KUYA!!!” sigaw ng zombie.

Napahinto si Jobert sa ere.
“Ha? Nagsasalita?”

Tinaas ng zombie ang kamay niya. Tinanggal niya ang contact lens niya na kulay puti.

“Huwag niyo po kaming patayin! Tao po kami! MGA EXTRA LANG PO KAMI SA SHOOTING!”

Natahimik ang mga residente. Binaba ni Mang Badong ang takip ng kaldero.

“Ha?! Anong shooting?!”

“Shooting po ng Indie Horror Movie sa kabilang bundok!” paliwanag ng zombie leader na si Kevin.
“Iniwan po kami ng Service Van! Nagmadali umalis yung driver kasi natakot daw sa amin! Wala kaming pamasahe kaya nilakad na lang namin pauwi!”

“Eh bakit kayo duguan?!” tanong ni Aling Marites.

“Ketchup at Corn Syrup lang po ‘to, Ma’am!” sagot ni Kevin, sabay dila sa “dugo” sa braso niya.
“Oh diba, matamis?”

“Eh bakit kayo paika-ika maglakad?! Para kayong pilay!” tanong ni Kapitan.

Itinaas ni Kevin ang paa niya.

“Eh Sir, tignan niyo naman ang sapatos ko, Slippers lang na nipis!
Tapos 5 kilometers kaming naglakad sa bato-bato!
Kayo kaya maglakad nang ganun, di ba kayo pipilay?!”

“At yung nakalawit na bituka?” tanong ni Badong.

Hinugot ng isang “zombie” ang bituka sa tiyan niya.

“Longganisa po ‘to, Sir. Props lang. Gusto niyo?”

Nalaglag ang panga ng mga residente.

Ang “Zombie Apocalypse” na pinaghandaan nila…
ay grupo lang pala ng mga pagod, gutom, at iniwang talents.

Sa sobrang hiya ni Mang Badong, tinago niya ang itak niya sa likod.

“Ah… eh… ganun ba?” kamot-ulo ni Badong.
“Akala kasi namin kakainin niyo kami.”

“Sir, kanin lang po kakainin namin, masaya na kami,” sagot ni Kevin habang hinihimas ang tiyan.

Sa huli, imbes na massacre, naging feeding program ang nangyari.

Naglabas si Aling Marites ng mainit na kape at pandesal.
Pinakain nila ang mga “zombie” sa clubhouse.

Tuwang-tuwa ang mga extra.

“Salamat po ha,” sabi ni Kevin habang kumakain ng pandesal, duguan pa rin ang mukha.
“Sa susunod po, magpapalit na kami ng damit bago dumaan dito.”

“Oo nga,” sagot ni Mang Badong.
“Muntik ko nang matapyas ang tenga mo. Akala ko Walking Dead,
‘yun pala Walking Pagod lang.”

By cgrmu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *