Kanina sa isang jeep na bumiyahe papuntang Lipa, may mag-asawang may kasamang anak at buntis na misis. Iyak nang iyak ang bata dahil sa gutom at wala raw silang pera. Nakita ito ng isang pasahero at agad na naantig ang puso niya kaya binigyan niya ng ₱500 ang mag-asawa para makabili ng pagkain.
Habang nasa biyahe, napansin din naming malapit nang manganak si misis dahil sumasakit na ang kanyang tiyan at papunta sila sa ospital. Hindi pa doon natapos ang kabutihan ni kuya—dinagdagan pa niya ng ₱1,000 ang ibinigay para may pandagdag sa panganganak. Binigay din niya ang kanyang contact number para kung sakaling mangailangan pa ng tulong, handa pa rin siyang sumuporta.
Saludo kami sa’yo, Kuya! Kung sino ka man, maraming salamat sa napakabuti mong puso. Nawa’y pagpalain ka pa ng Diyos at sana mas dumami pa ang mga taong tulad mo—bukas-palad at handang tumulong sa kapwa. 🙏❤️