BINIGYAN NG GURO NG BAON ANG ESTUDYANTENG LAGING GUTOM SA LOOB NG 4 NA TAON, AT NAG-IYAKAN SILA NANG REGALUHAN SIYA NITO NOONG NAGING ENGINEER NA ITO
Krrrkkkk…
Rinig ng buong klase ang tunog ng tiyan ni Leo. Grade 7 siya noon. Yumuko siya sa hiya. Wala siyang almusal, at sigurado siyang wala ring tanghalian dahil walang trabaho ang tatay niya.
“Leo? Ayos ka lang ba?” tanong ng adviser nilang si Ma’am Reyes.
“O-opo Ma’am. Masama lang po pakiramdam ko,” pagsisinungaling ni Leo.
Pero alam ni Ma’am Reyes ang totoo.
Tuwing recess, napapansin niyang naiiwan si Leo sa classroom habang ang iba ay nasa canteen. Umiinom lang ito ng tubig sa gripo.
Nilapitan siya ni Ma’am Reyes. May inabot itong tupperware na may lamang spaghetti at sandwich.
“Leo, sobra ang baon ko ngayon. Tulungan mo naman akong ubusin, sayang eh,” nakangiting sabi ng guro, kahit alam ni Leo na iyon talaga ang lunch ni Ma’am.
Mula noon, naging “routine” na nila iyon.
Sa loob ng apat na taon sa High School, si Ma’am Reyes ang sagot sa gutom ni Leo. Minsan inaabutan siya ng 50 pesos, minsan packed lunch.
“Ma’am, nakakahiya po. Babayaran ko po kayo balang araw,” sabi ni Leo noong graduation.
“Huwag mo akong bayaran ng pera, Leo,” sagot ni Ma’am Reyes habang inaayos ang toga ng binata. “Bayaran mo ako sa pamamagitan ng pag-abot sa pangarap mo. Maging Engineer ka, ‘yun lang sapat na.”
Lumipas ang labinlimang taon.
Si Ma’am Reyes ay 60 years old na. Masakit na ang tuhod, malabo na ang mata, pero nagtuturo pa rin. Araw-araw, nakikipagbuno siya sa siksikan sa jeep.
Isang hapon, umuulan nang malakas. Basang-basa si Ma’am Reyes kakahintay ng jeep sa labas ng school. Wala siyang payong.
“Ma’am! Sakay na po kayo!” alok ng isang co-teacher na may kotse.
 Para mabasa ang karugtong ng kwentong ito